Sapagkat ang Pilosopiya ay Ginagawa Roque J. Ferriols, S.J. Ateneo de Manila University Pagtanong at Paggawa Sapagkat nagsisimula tayo ng kurso ng pilosopiya, marahil gusto mong tanungin: ano kaya ang pilosopiya? Lalong mabuting gawin muna bago pag-usapan kung ano. Sapagkat ang pilosopiya ay ginagawa. Natututo tayong lumakad sa paglakad, magbisikleta sa pamimisikleta, lumangoy sa paglalangoy, magmaneho ng kotse sa pagmamaneho ng kotse. Ganyan din sa pamimilosopiya. Sa lahat nito ay maari tayong tulungan ng isang kaibigan na mamilosopiya, magmaneho, lumangoy, magbisikleta, at pati lumakad. At marahil sasabihin natin na tinuruan niya tayong magbisikleta, atbp. At ano kay ang iniisip ko kapag aking sinasabi na tinuruan akong magbisikleta ng isang kaibigan? Sa palagay ko’y aking naaalala kung papaanong pinangatawanan niyang paligiran ako ng isang kalagayan upang ako’y matauhan na ako ri’y maaring magbisikleta. At pinamumulat niya sa akin na, upang maisagawa ko itong pagka-maaring i
Comments
Post a Comment